Welcome!!!

Good day everyone,

Thank you for visiting my Blog...I hope that you will enjoy reading my blog..post your comments,suggestions & share your stories too...

Thank you..

Yours truly,
Ryu Darel B. Gaffud

Wednesday, November 12, 2008

I'm back again

I'ts been a long days, weeks, and month bago ako nakapagsulat ulit dito sa blog ko... Well, sa mga nagdaang araw, dami ng mga nangyari... Hindi ko alam kung bakit pero after nung mga bagay na yun, parang ang daming pumapasok sa isip ko... mga tanong na hindi ko masagot ng sa akin lang... Parang iba ako ngayon.. Parang may kulang...

Haay... Hindi ko alam kung paano ko ieexpresse dito yung nararamdaman ko at this moment... Lagi na lang ganito.... after nung sandaling panahon na masaya ka, after nun sakit naman ang dadalaw sayo... Mas mangingibabaw pa yung sakit kesa sa happiness... Ginawa ko naman lahat.... Siguro alam niyo na ibig kong sabihin..Yes, "love".. yun na nga ang bumabagabag sakin... Yung sandaling panahon na yun masaya ako.. Walang kasingsaya... Dumating sa point na ayaw kong bitawan yung person na yun.. Ayaw kong mawala sya sa akin... I did my very best... Pero bakit ganun... Ano ang kulang... Saan ako nagkamali??

Siguro nga "suntok sa buwan" ako sa kanya...

Monday, July 21, 2008

Huwaw naman!!!

Hello pong muli sa inyong lahat...Grabe ang araw na ito...Tumugtog kami sa SM MANILA ngayon hehe...hindi ko talaga inaasahan na madami yung manunuod sa amin...kasi parang nasa sulok na yung stage namin...kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga taong sumuporta sa amin at nanuod ng aming FIRST MALL TOUR...sana patuloy pa rin ang suporta na ibinibigay ninyo sa amin...

Salamat din po sa mga bumili ng album namin...sa STICK ko na napulot ng sino man sana itago mong mabuti yan..hehe..mahal yan (joke)..hehe..

"keep rockin' even w/out using drugs.."

Monday, July 14, 2008

ang gaan ng feeling!!!

Good morning guys...how was your day? ako? sobrang saya ko kasi kahapon nakatutog na rin ako sa World Trade Center..kaso nagtampo ata yung stick kong isa kasi nabali nung tinutugtog namin yung kanta naming awa...hehe pero the show must go on...naging maayos naman lahat...sarap ng feeling na makabawi ka sa tugtugan...yung tipong tututgtog ka na parang wala nang bukas...


salamat po pala sa mga bumili ng album po namin(pati t-shirts)...hindi ko inaasahan na marami rin pala ang bibili and nakita ko pa ng personal yung mga bumili...kanina,may humingi ng mga autograph sa amin...nung ako na yung pumirma,parang hindi xa satisfy sa sign ko...sori po ha,ang totoo kasi,hindi pa ako nagpapraktis pumirma...hehe apelido ko lang nilagay ko...di bale pagaaralan ko pa kung paano pumirma ng maganda pero kung hndi na kaya,eh ganuntalaga eh...hehe atleast sign ko yun di'ba?! hehe

love you all guys...

see you on July 20,2008 sa SM manila...

"keep on rockin' even w/out using drugs..."

Thursday, July 10, 2008

kamusta po kayo?

Hello po sa inyong lahat?musta po kayo?tagal ko rin hindi nagpost dito...

well sa Sunday po if God wills,tutugtog po ang HAMMILAN sa World Trade Center...sana makapalo na ako dun..hahaha...tagal na rin naming walang tugtog...medyo kinalawang na yung mga kamay ko..hahaha....

nalulungkot talaga ako ngayon kasi,,,ewan ko ba..parang may kulang...

basta abangan niyo na lang ang HAMMILAN ha...

maraming salamat po....

"keep rockin' even w/out using drugs.."

Sunday, June 29, 2008

For the first time...

good evening po ulit sa inyong lahat...hehe...grabe ang araw na ito...hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot...hehe huhu..ang labo noh..well,kung nagtataka kayo,ganito kasi yun...

Kahapon kasi(coz' it's already 12:22am),may gig kami sa manila...dapat 2 yun..yung isa sa Star City,yung isa sa Art Gallery ni Mr.Heber Bartolome...nung umaga,nagtext sa akin si kuya milan telling na hindi na matutuloy yung sa Star City...ok lang sa amin dhil may isa pa naman kaming tutugtugan...on our way sa venue nila Mr.Heber(around 6-7pm) excited na ako dahil tutugtog nga kami na kasama ang isa sa mga sikat sa music industry...nung time na dumating na kami sa venue at nung nasa function room na kami,"Walang Drumset"...puro amplifiers lang...tapos yun na...medyo may kaba na sa dibdib ko...kuya milan instructed me na kunin yung beatbox sa Icon office para yun na lang gamitin ko...so nagmadali kami na kunin yung gamit...badtrip pa kasi sobrang traffic...tapos tumatawag sila saying "double time"..nung time na nakabalik kami,pambihira,tapos na sila tumugtog... meaning "Hindi Ako Nakatugtog!!!" hehe huhu...hindi ko alam kung tatawa ba ako o maaasar...it's my first time na hindi makasama sa tugtog namin....haaaaay...buti na lang nilibre kami ni kuya Glenn sa Pares...dun ko na binuhos yung asar ko...hehehe...

Pero di bale,bawi na lang next time...may mga tugtog pa naman kami...upcoming Mall tour namin sa July 12,2008 sa SM North Edsa...Hope to see you Guys...

See you there...Thank you and God Bless...

"keep rockin' even w/out using drugs..."

Saturday, June 28, 2008

What's New?

Good evening po...Kelan ba yung huling post ko?Wednesday?hehe...so ngayon ay Friday...Then what's new about me and the band?

sa band muna tayo...
Yesterday(June 26,2008) nagpunta kami sa Petron na malapit sa Mall of Asia...But sadly,nakalimutan ko yung name ng store na kinainan namin with the DJ's and station manager of STARFM...And it went so good kasi maganda rin yung mga binigay na comment ng mga bisita namin...

sa akin naman:
grabe,FYI lang po,aaminin ko hindi po ako makangiti ng maayos kasi,masama tyan ko nung araw na yon...hindi ko alam kung bakit pero parang may nagrerebolusyon sa tyan ko...so ganito,nung nasa sasakyan pa lang kami,hindi ako mapakali...nung time na nakarating kami sa Petron at nagpark kami sa harap ng KFC,dali-dali akong pumunta sa C.R. nila...Badly,kasi hindi matuloy yung paglabas ng "something"..Hindi pa ako sanay ng ganon...So nangyari,lumabas na lang ako at tiniis yung nararamdaman ko(mabango pa rin akong lumabas ng C.R.)...Buti na lang,medyo nahimasmasan tyan ko nung dumating yung mga bisita namin from STARFM...yun nga lang,ang hirap pa rin ngumiti..hehe..ang hirap talaga magpretend...hehe...

Tapos ngayon,sobrang saya namin kasi,pinakita kami sa TV Patrol and sa Studio23 with their program WOW(What's On Weekend)...hehe..wala kaming ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa dahil hindi namin masyadong narecord yung show...hehe...

salamat po pala sa nagomment sa akin specially to Jazmine Cruz,salamat po sa inyo at sa pagsuporta niyo sa group namin...

So long Guys,,,see yah...

"keep rockin' even w/out using drugs..."

Thursday, June 26, 2008

...........

Gandang madaling araw sa inyong lahat...well hindi po kasi ako makatulog so para may magawa eh kwento ulit ako...hehe..

May question po ako sa inyo,ganito po kasi,lately parang hindi ako mapakali and nagiging matakaw "nanaman" ako sa pagkain...Dati naman hindi ako ganito...gusto ko sana magcomment kayo then give me some advices...Gusto ko kasing mamoderate sa pagkain ko ngayon...Ganito ba kapag "broken hearted"?hehe...joke lang po...comment po kayo ha...wait ko....

Nga po pala,I want to thank sa mga nagbubukas ng blog ko...kahit papaano may bumabasa pa rin..And I want to thank also sa mga nagcomment sa akin sa hammilan.blogspot.com...I really appreciate it...Sana po suportahan niyo po ang HAMMILAN...I hope na makabili po kayo ng Album because sa pagbili po ninyo,it means you support also PDEA,PNRC and Greenpeace(dahil ilang porsyento ng sales ng album ay mapupunta sa kanila)....

Hope to see you guys on our Mall,Campus,Bar ang Province tour...

Sa mga nagttext sa akin I'm really sorry dahil hindi ako nagrereply...Sa mga taga Bicol,Isabela hintayin niyo po kami dyan...

Thank you and God Bless...

"keep rockin' even w/out using drugs"

HAMMILAN's Album Diskarte out in the Market

Available na po ang album ng HAMMILAN sa mga sumusunod:

SM:
taytay,cubao,north edsa,bacoor,dasmarinas,fairview,MOA,sta.mesa,san lazaro,megamall

Puregold:
pasig,e.rodrigues,tayuman,libertad,calentong,makati,commonwealth,imus,valenzuela,harrison plaza,hypermart taytay,landmark makati

sana po bumili po kayo ng album....

salamat po sa mga sumuporta at sumusuporta sa amin...

"keep on rockin' even w/out using drugs"

Wednesday, June 25, 2008

H@MMILAN's Update

.
WATCH HAMMILAN ON THE FOLLOWING SHOWS:
.
.
.
.
1.
JUNE 25, 11PM
THE GOODNIGHT SHOW
QTV 11
.
.
.
2.
JUNE 27, 11PM
WOW (WHAT'S ON WEEKEND)
STUDIO 23
.
.
.
3.
JULY 20 1:10AM
MASTER SHOWMAN
GMA7
.
.
.
.
.
.
.
.
THANKS FOR YOUR SUPPORT!
.
.

"keep on rockin' even w/out using drugs"

Saturday, June 21, 2008

HAMMILAN update


Guest po kaninang 2:30pm ang HAMMILAN sa DZMM 630 sa programang Showbiz Mismo hosted by tita Cristy Fermin and Jobert Sucaldito...

At nagkaroon ulit ng isang presscon sa Gerry's Grill kasama ang GMA7...

Muli nanamang naging successful ang performance nila sa mga nabanggit na lugar...

Sana patuloy po ang inyong suporta sa bandang HAMMILAN at sa musikang Pilipino...

Maraming salamat po...

keep on rockin' even w/out using drugs

Friday, June 20, 2008

Part Two...

remember yung post na "What kind of...."? well,ito yung continuation...

yung tungkol dun,ngayon ko lang napag-isip na hindi ko pala dapat masydong isipin yung "something" na yun...kasi nandyan naman "yun" at hindi nawawala...siguro darating yung time na magkakaroon ako ng panahon sa "something" na yun(still hoping)...teka alam niyo ba yung "something" na yun?hehe..bigyan ko kayo ng kaunting hint...Sikat yun...masasabi ko kilala ng nakararami...hehe...basta yun na yun...hehe...

well,antok na po ako,next time na lang po ulet...

take care...

keep on rockin' even w/out using drugs

Wednesday, June 18, 2008

How do I get into H@MMILAN?

Recently,marami ang nagtext sakin dahil nagtatanong sila kung paano ba ako napasok sa bandang HAMMILAN but I have no time to textback because una busy ang sched at ikalawa,wala talagang panload...hehe...kaya dito ko na lang ibubuhos yung story....pinapauna ko na po na pasensya na po sa mga pagkukulang ko at sana magustuhan niyo ang pagbasa nito...

Well paano ba ako napasok sa HAMMILAN?

Simula nung lumabas si Hammilan with his single "Hiya",nagkainteres akong pakinggan yung music niya at nagustuhan ko naman..nung mga panahon na yun ay nag-aaral na akong mag drums nun..even my brother liked him so much...dumating sa point na nangarap ako na sabi ko,"balang araw,magiging ganyan din ako(referring to Hammilan singing at Mel and Jay pa nuon)...nakita ko rin sya ng personal pero ang hirap niyang lapitan(para sa akin)...parang ang taas niya para abutin ko...dahil dun,parang nawala na sa akin yung pag-asa na makasama ko sya o khit maging kagaya niya at nung banda niya...
Matagal na panahon na rin at nagkaroon din ako ng bandang iba...pero hindi rin ako ganun kaexcite dahil nga sa ako lang yung pursigido(dahil music nga ang passion ko)...but nagkaroon ako ng banda na lahat kami,ito yung gusto...The Muggles yung grupo namin...dun nagbuhos din ako ng effort...

November 30,2007..may church activity kami sa church..2mug2g din kami..tapos incidentally,nandun si Oliver Santos(one of my teacher and good friend na rin..nagsession din siya kay Hammilan)...so nagusap kami..at ito na nga,kinuwento niya na nangangailangan si Hammilan ng drummer..sabi ko "di ba ikaw drummer niya?'' at sinagot niya "busy na rin kasi ako eh..gusto mo kunin yung number?try mo..sabihin mo ikaw yung nirereffer ko"..so hindi ako nagdalawang isip,kinuha ko...pero hindi ko pa alam kung itetext ko o hindi...nung nakauwi na ako sa bahay,ang tagal ko pinagisipan kung itetext ko ba o hindi...dahil tinanong ko rin sa sarili ko kung worthy ba ako sumama sa grupo...then yun,tinext ko..tapos wala pang 3mins. tumatawag siya sa cel ko...hindi ako namalik-mata,sya yung tumatawag..labas ako ng bahay para malinaw yung signal...tapos yun na..nagusap na kami...

Kinabukasan,nagmeet kami..yung araw na yun din siya nagpagupit...sandali lang din kami nakapag-usap...sabi niya,sumipra lang daw ako ng isang kanta then magttext siya ulit for audition daw...kinabahan pa ako dahil sabi niya,5 daw kaming nag-aaspire dun sa position na yun...so sabi ko sa sarili ko,mukhang malabo na..then ang tagal niyan magtext..after one week ata bago siya nagtext ulit at yun nagusap kami sa studio niya...nung umakyat ako dun,kinabahan ako dahil kaharap ko na talaga si Hammilan na dati kong hinangaan...

At mula nung araw na yun,official member na ako ng H@MMILAN...

mahaba na masyado...hehe...ngayon ko lang napansin...

salamat sa time ng pagbasa niyo ha....

thank you and God Bless...

keep on rockin' even w/out using drugs....

H@MMILAN update

This day,Hammilan have their tv guesting(taping) at the Delta theatre for the show The Good Night Show hosted by Jojo A.

The band performed two songs..The first one is their 1st single Diskarte and the last is Bilmoko which is also in the album entitled "Diskarte"..

And again,the band showed who they really are when performing on the stage...

Tuesday, June 17, 2008

Ano na kaya?

Mabalik sa akin...hehe..dami na ang nangyari sa buhay ko ngayon...im so happy dahil nagiging successful yung mga activity na ginagawa namin ngayon...and lately,sobrang buo ang araw ko dahil ayun,may communication kami ni ____ ..haha..kahit konti lang,atleast may text pa rin sya...kaso,nanghihinayang ako kasi kung kelan may pagkakataon,eh busy naman ako...so sayang talaga...gggrrrr...

News on H@MMILAN

katulad nung June 7,2008,the band H@MMILAN held their 2nd media release at Gerry's grill at tomas morato...daming PRESS na dumating and syempre,naging successful yung nangyari..

nagkaroon ng tugtugan at syempre interview na rin...

meron na pong write-ups tungkol sa H@MMILAN from the following newspapers:

1.Tanod tabloid
2.Peoples Journal
3.Philippine Daily Inquirer
4.Manila Bulletin

Salamat po sa mga sumuporta at sumusuporta pa...

Thank you and God Bless...

Monday, June 9, 2008

H@MMILAN's Album Launch

June 07,2008

Hammilan held their Album Launching at the Blue Onion Eastwood Libis..

well,magkkwento muna ako...

That morning,medyo tinamaan ako ng pagkatamad..pero sandali lang naman yun..then I received lots and lots of text messages,from my mom,friends,former classmates,si ano at si ano...hehehe..ayoko ngang sabihin name nila...hehe...tapos yun na,nagprepare na ako ng mga gamit ko..siguro around 11a.m. na kami nakaalis sa lugar namin..pagdating sa venue,nag set up kami..wow,ang ganda ng drum kit na ginamit ko,Gretsch yung kit(isa sa pinakamahal na kit)..then syempre dahil Album Launch nga yun,pinaganda ko set up ko lalo na sa cymbals...
then after ng sound check pumunta na kami sa ICON records...

5 or 6p.m. bumalik kami sa venue...then we made our 2nd sound check...FYI yung sound check namin na yun,parang yun na yung program..Bakit? eh kasi talagang nagwala kami dun..hehe...

after that,may mga dumating ng Media,Press,ilang kilalang tao..and also the GREENPEACE..

yung time na nasa stage na ang Hammilan,nagperform na,ayun na..it went so good...

kaso nung tapos na kami magperform,may iniintay akong text from ____ but walang dumating..siguro alang load..hehe at dahil dun,nakalimutan ko sa venue ung isang bag ko ng mga parts ng drums ko..pero ok lang..makakabili naman ako nun..pero mas maganda kung may magregalo para mas iingatan ko..oh di'ba..hehe

Salamat sa mga sumuporta sa amin,Noel,Harvey,Al salamat sa inyo..isa kayo sa mga tunay kong kaibigan..

Michelle,Esther,and the rest sa ICON records office salamat ng marami...

Kay ____ at kay ____ maraming salamat magiingat kayo lagi...

To my family,Gab,Paola Mahal ko kayong lahat..hope to see you soon...

I love you guys....

Tuesday, June 3, 2008

Be Busy....

Sabi nila,para makalimutan mo yung mga bumabagabag sa isip mo eh keep yourself busy on something....kaya ngayon,buti na lang magiging busy na ako..because on June 4,2008 may Radio Tour na kami sa:
NU107-1p.m.
DZBB-2p.m.
ENERGY fm-3p.m.

sna po magtune in kayo sa mga nabanggit na istasyon...

salamat pong muli.....

Be Busy....

Monday, June 2, 2008

Days to go...

Malapit na po ang Album Launching ng H@MMILAN sna po suportahan niyo po kami..kung may tym po kayo,punta po kayo sa EASTWOOD,LIBIS.. exact place will be post soon..Thank you...

Friday, May 30, 2008

Album Launching

Hi...
H@MMILAN is going to Launch their 2nd Album entitled "Diskarte" with their 1st single Diskarte at Eastwood on June 7,2008..

please support us...

thank you...

Wednesday, May 28, 2008

What kind of fool am I

Recently,I have questions on my mind that I dont know the answers..
hindi ko alam pero dahil dun sumakit ang ulo ko...parang gusto ko ihampas sa pader..
Sa totoo lang,parang lang akong tanga..hehe..gulo noh..
Lam ko na,ndi nio ako magets noh..

Ganito kasi..

Isang araw lang naging masaya araw ko..after nun,kinagabihan,wala na..parang tamad na tamad ako..gusto ko sna magsalita kaso natatakot ako baka bukas mangyari nanaman yung ayaw ko nang mangyari..

Well,I will elaborate this on my next post..Bitin ba?ganun talaga..para bisitahin niyo ulet itong blog ko...

Take care always.....

Sunday, May 25, 2008

Please vote for H@MMILAN

ways to vote H@MMILAN in radio station:

STARfm:
STARSMmessage or request
send to 29765
(e.g. (STAR SM pakiplay naman po yung DISKARTE by HAMMILAN gusto ko po kasing marinig eh iba ang dating thank you..))

WRR 101.9:
4lifesongDISKARTE
send to 2366

ENERGYfm:
ENERGYmessage
seng to 2299
(e.g. (ENERGY pakiplay naman po yung DISKARTE by HAMMILAN gusto ko po kasing marinig eh iba ang dating thank you..))

Tuesday, May 20, 2008

Vote for Hammilan

To vote "Diskarte" by Hammilan just type:

NUVOTEDiskarte then send to 29107

we are currently at top 7...

tnx guys........

Hammilan hits the radio stations

Hammilan radio airplay hits YESfm,LOVE radio,WRR101.9,ENERGYfm,STARfm and NU107 with our 1st single DISKARTE...

Please visit our website at
www.hammilan.com

tnx.guys...

Tuesday, May 6, 2008

Whay am I thinking today......

Today,,
I'm happy coz unti-unti,naaabot ko na pangarap ko...
pero until now,may kulang pa rin...

one night,I'm watching MYX sa studio 23..
pinakita nila ung video ng Moonstar 88 titled "MIGRAINE"
tinamaan ako sa first two lines ng song...
"oo nga pala,hindi nga pala tayo.Hanggang dito na lang ako....."something like that....

naalala ko nanaman ko nanaman ang something na un...

Wednesday, April 30, 2008

What I am now??

Lately,ndi ko alam kung bakit but I feel always empty...Alam nio ung tipong parang may kulang...ndi ko alam kung ano un...

Naguguluhan ako kung bakit ganito...

Hindi ko alam kung umaasa ako sa wala...

Dati masasabi ko napakasaya ko kasi I know na nandyan lang ung something na un...pero parang ganun lang...hanggang dun na lang....

Sna dumating ung time na malaman ko kung ano ung dapat maramdaman o kung kailangan ko pang umasa....

salamat sa pagbasa nio nito...gusto ko lang kasing ishare sa inyo nararamdaman ko at this moment....

Thank you so much............

Darrel on drums

Darrel on drums
layo koh noh...